“Sa Aking Paghihintay” ni Ahmed Guillermo-Letrondo

I

Sa kalumbayan ng gabing siya’y naalala,

sa bintana nakatingin at ako’y nakatingala,

hindi ko maaninag ang kagandahan ng kanyang mukha,

dahil maulap na langit ang aking nakikita.

 

II

Ano ba ang dapat kong maramdaman,

sa isang bagay na ako’y walang alam?

Tama! Pag-ibig ang aking dahilan,

hindi pa ba sapat na yan na lamang ang ilaan?

 

III

Ngunit aking napagtanto isang mahalagang bagay,

at yun ang manalangin habang siya’y hinihintay,

hindi ako eksperto at di rin ako bihasa,

ngunit alam kong sa Diyos ako’y may pag-asa.

 

IV

Kung ilalaan ko lamang sa aking talumpati,

ang pag-ibig na wagas na di nangingimi,

aking mailalathala sa mga taong bumabati,

ang pag-ibig na mula sa pusong nakangiti.

 

V

Sa pagtatapos ng tulang aking naisulat,

nawa’y maging daan ito upang mga mata ay mamulat,

sa isang bagay na nasambit nawa ito’y maging sapat,

na gawin ang tama at kung ano ang dapat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s