“Ikaw ang Musika ng Pag-ibig Ko” Ni Ahmed Guillermo-Letrondo

 
Ikaw ba ang nakaraan ng kasalukuyan kong pag-ibig?
Ikaw ba ang kasalukuyan ng nakaraang kong nadarama?
O Ikaw ay noon, ngayon at magpakailanman?
 
Ang aking puso ay tumutugtog ayon sa pintig ng puso mo.
Aking naririnig ang tinig ng iyong pagbulong na parang malambing na himno.
At naisusulat sa aking isip ang bawat katagang sinasambitla mo.
At nadarama ang ritmo at sumasabay sa saliw ng mga matang nakatuon lamang sayo.
 
Ikaw ang musikang nabuo na magiging alaala sa nakaraan,
Na magiging awitin ng aking kasalukuyan,
At patuloy na maririnig hanggang sa pagsapit ng maraming kinabukasan.
 
Hindi ko maitatago ang musika sa aking puso,
Sapagkat ito ay lalago at lalabas na parang tono,
At maririnig ng tao ang awit, patungkol sa Pag-ibig ko para sa’yo.
 
Ang Diyos ang aking saksi sa pag-ibig na dumatal,
Siya ang nagbigay ng himig sa pusong tunay na nagmamahal,
At habang aking hinihintay sa Kanyang tamang pag-gabay,
Sa awit ng Kanyang kalooban ay nais kong sumabay.
 
Dahil ikaw, o mahal, ang awit na sa puso ko’y Kanyang ibibigay.
 
 
#MyMakataMoments
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s