“Tapos Na, Oo Tapos Na” ni Ahmed G. Letrondo

Naalala mo pa ba yung kabataan? Oo, yung kabataang lahat ng maaari mo lamang masilayan ay kaligayahan at katuwaan? Wala nga bang iyakan? Meron naman. Pero, hindi lahat ng iyakan ay sakit lamang ang dahilan. Hindi lahat ng sakit ay problema lang ang pinanggagalingan.

Nandiyan na nung tayo ay bata pa ay nanaisin nating maglaro ng magdamagan, hindi iniinda ang gutom at kalam ng tiyan hanggang tawagin tayo ni Tatay na may pamalong tangan-tangan. Nakakatawang isipin na ang tahanan ay maaari mong maramdaman sa labas ng iyong bahay; na maaari mong madama ang lahat ng kaligayahan sa kabila ng lumbay.

Kapag inaalala ko ang aking kabataan, napakasimple lang. Wala akong nakikitang dapat kainisan, wala akong nakikitang dapat pagbalingan ng galit sa bawat sandaling aking mararamdaman na ako ay isang talunan. Ngunit ngayon iba na.

Oo.. iba na. Wala na yung mga araw na dating tayo ay masaya. Yung panahon na mararanasan mo ang mga tagumpay ng pagkabata at pagkatalo ng kalungkutan dahil sa tunay na kaligayahan.

Oo.. iba na. Wala na. Tapos na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s